Looc National High School

A leading High School promoting quality education

PCH, TUGON SA ISYUNG PANGKALUSUGAN NG MGA PLARIDELNON

October 2, 2018

by: Hazel Arbutante

Kasalukuyang hinihintay ng Plaridel Community Hospital (PCH) ang paparating na mga aparatus na tinatayang darating sa susunod na linggo upang makapagbigay- serbiyo sa mga Plaridelnon.                                   

Libreng laboratory test at iba pang  bayarin  ang handog ng ospital para sa mga Plaridelnon maliban  lamang kung sila ay gagamit ng kwartong naka-aircon.

Bukas din ang ospital para sa mga taong nangangailangan ng tulong pang-medikal na nakatira sa ibang bayan ngunit ang serbisyong ibibigay ng ospital ay hindi na libre sapagkat ang napasama lamang sa bigay na badyet ng LGU ay ang mga taong nakatira sa Plaridel.

Gayunpaman, nakaakabay ang PhilHealth at PCSO para sa mga taga ibang bayan upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagpapagamot at mga bayarin sa ospital.

Mayroong 46 na manggagawa ang PU kabilang na dito, sina Dr. Fe B. Paler, Administrative Officer;  Dr. Lemuel Q. Uy, Chief of Hospital.

Mga labing- pito naka-assign sa Nursing Service Division, walo sa Information Section, apat na sa Diagnostic Section, apat sa Utility Section, tatlo sa Supply Section, tatlo sa Security Section, dalawa sa Dietary Section at tig-iisa sa Pharmacy section at Medical Service Division.

Bukas pa rin ang ospital sa anumang tulong na nais ibigay ng mga kababayan at inaasahan na ipagpatuloy nila ang hatid na suporta.