Looc National High School

A leading High School promoting quality education

Ty: ‘Adios Plaridel’

October 2, 2018

by: Hazel Arbutante

              “Adios Plaridel! Let’s say goodbye to the old Plaridel and say hello to the new Plaridel,” pahayag ni Diego “Nonoy” Ty, alkalde ng Plaridel sa kanyang State of the Municipality Address (SOMA), ika-5 ng Setyembre.

              Ipinagmamalaki ni Ty ang tatlong tuloy-tuloy na taon nang pagtanggap ng Seal of Good Governance.

             “Good governance is simply improving the lives  of the poor people of Plaride”, dagdag niya.

Ayon pa sa kanya, pinagsikapan ng mga opisyales ng Plaridel na maging libre ang gamot at ospital upang hindi na mahirapan ang mga Plaridelnon kaya itanatag ang Plaridel Community Hospital (PCH).

            “Ang pinakaproblema, ang dili kayang sulbaron na simbakog naay magsakit, mao na ang panahon nga magkautang-utang ang mga pobreng taga-Plaridel,” dagdag niya.

            Bida sa talumpati ni Ty ang Duyog-Tampo Program na pinanguluhan ni Marilou Yap na tutulong sa mga mag-aaral na makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan lamang nang pagtigil ng anumang masamang bisyo ng kanilang mga magulang.

           “Nagatoo mi nga ang edukasyon, education is the only solution sa kapobrihon. Now is the right time nga putlon nato ang sumpa sa kapobrehon pinaagi sa pagtabang nga makahumag eskwela ang mga bata para sa ilang kaugmaon,” mungkahi ni Ty.

           Binigyang pansin ng SOMA ni Ty ang pagsasagawa ng mga barangay roads at ang papalapit na pagtapos ng konstraksyon ng Barra-Kauswagan Bridge.

          “ Without expecting our municipality to be a city, we will be building a city within the municipality of Plaridel,” pahayag ni Ty.

          Kasalukuyang ipinapagawa ang Matco City na matatagpuan sa Panalsalan, Plaridel, Misamis Occidental at inaasahang masimulan na ang plano para sa pagpapaganda ng Baobaon Island at ang pagkonkreto ng foot bridge patungo rito.

          Pinagplanuhan rin ng mga opisyales ang pagpapatayo ng bagong plaza na kung tatawagin ay Poseo de Plaridel na matatagpuan sa likod ng Plaridel Central School (PCS).

         “I’m proud to say that we aim high, we dream big and now, our dreams are becoming a reality,” sambit niya.