Looc National High School

A leading High School promoting quality education

5 sa 8 LNHSians, pabor sa Sistema Pederalismo

October 2, 2018

by: Celeste Dawn V. Dandayo

Lima sa walong mag-aaral ng Looc National High School (LNHS) ang pumabor sa ipinapatupad na Pederalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ito ang resulta sa isinagawang surbey ng Ang Liwanag, ang opisyal na pahayagan ng LNHS sa kategoryang Filipino, Setyembre 19.

Naniniwala si Riquelen Del Castillo ng baitang siyam na mas madaling matutugunan ang mga problema at pangangailangan   ng bawat isa kung sakaling maipapatupad ang Pederalismo.

 

“Kung magiging praktikal tayo ay mas nakabubuti ang Pederalismo, dahil mas madaling mahihingan ng tulong ang pamahalaan  kung sakaling maipatupad ang Pederalismo. Hindi kasi lahat ng mamamayan sa Pilipinas ay nakakapunta sa Malacanang para direktang makahingi ng tulong, kaya mas nakabubuti ang Pederalismo dahil maaaring matugunan agad ang mga pangangailangan ng bawat isa sa loob ng isang partikular na estado,”ayon kay Del Castillo.

 

Taliwas naman ang naging desisyon ni Mheann Bicoy ng baitang 12 na hindi magiging patas at walang pantay na pagtrato ang matatanggap ng bawat isa kung sakaling maipatupad ang Pederalismo.

“Hindi magiging pantay at patas ang magiging kalagayan ng bawat Pilipino sa bansa dahil iba-iba ang magiging batas ng bawat estado, kaya mas papabor ako sa Republika,” hirit pa ni Bicoy.

Samantala, dalawa sa walong mag-aaral ay hindi pa buo ang pasya. Ayon pa sa kanila, ang Pederalismo at Republika ay may pagkapareha.

“Hindi ko alam, sapagkat may pagkapareha ang dalawang sistema. Ang kakaiba lang ay nahahati ang Pilipinas sa sistemang Pederalismo,” pagwawakas pa ni Carl Monique Barial ng baitang siyam.