Looc National High School

A leading High School promoting quality education

Paggunita, Paglinang ng Wikang Filipino

October 2, 2018

by: Celeste Dawn V. Dandayo

               Isinagawa  ang Buwan ng Wika alinsunod sa Proclamation 1041 na pinirmahahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, na siyang nagdeklara ng Buwan ng Wika sa buong Pilipinas, sa temang “Filipino: Wika ng Saliksik”, tuwing Agosto.

Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino upang pagyamanin, ipalaganap, at paunlarin. Sa pamamagitan nito maaaring mapaunlad ang wikang Filipino lalong-lalo na sa agham at matematika.

Layunin ng nasabing programa na pagyamanin at hikayatin ang lahat ng bansa, pampubliko at pribadong ahensya para maging parte ng programang lumikha at magkamalay ang bayan sa kahalagahan ng wikang Filipino.

Sinasabi na ang dating Pangulong Manuel L. Quezon na idineklarang Ama ng Wikang Filipino ay ipinanganak noong Agosto 19, 1878 kaya‘t tuwing Agosto  ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika.