Looc National High School

A leading High School promoting quality education

Gonzales, Tinapos ang 6 na Taong Pagka-uhaw sa Korona ng Freshmen

October 2, 2018

by: Celeste Dawn V. Dandayo

Namayagpag ang ganda ni Patricia Ann Gonzales ng SSP 7 matapos hinirang na Miss Athletic Icon 2018 at tinapos ang anim na taong pagka-uhaw ng Freshmen sa titulo, na isinagawa ng Looc National High School noong Agosto 1.

 

Hindi naging madali para kay Gonzales na  ipinalo at ibalik ang korona, lalo pa at maikling panahon lang ang nalaan niya para mapaghandaan ang patimpalak.Ginawa niya na lang umano ang lahat para masungkit ang korona.

 

Ayon pa sa kaniya, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong sumali siya sa ganitong patimpalak. Maraming beses na siyang na kasali sa iba’t-ibang pageant kahit noong elementary pa siya kaya hindi na ito bago sa kanya.

 

Naniniwala siyang para sa kanya ang titulong Miss Athletic Icon 2018 dahil alam niyang ginawa niya ang lahat para magtagumpay.

 

Dagdag pa niya, maari siyang maging halimbawa para sa mga mag-aaral para panatilihing malusog ang pangangatawan at maipakita ang kabutihang dulot ng isports.

 

Inspirasyon ni Gonzales ang kanyang ina na siyang tinuturi nitong lakas at laking pasasalamat niya sa Panginoon dahil ibinigay sa kanya ang higit pa sa kanyang inakala.

 

Samantala, kasama niyang hinirang si Prexy Jade Dablo ng HUMMS 11 bilang Mister Athletic Icon 2018.