Paghahalaman, itinaguyod sa Buwan ng Nutrisyon
October 2, 2018
Panibagong layunin para sa panibagong taon ang nais makamtan ng Looc National High School (LNHS) sa p a g i ri w a n g ng taunang Buwan ng Nutrisyon sa temang “Ugaliing Magtanim, sapat na Nutrisyon Aanihin.”
Kabilang sa pagpapatupad ng nasabing layunin ang pag-implementa ng Gulayan sa Paaralan kung saan pinapakita ang wastong pangangalaga ng mga pananim para sa malusog na kinabukasan ng mga mag-aaral.
Hinikayat ng LNHS ang bawat mag-aaral na magtanim sa kanilang bakuran upang mas masigurado ang wastong kalusugan, hindi lang sa kanilang sarili kundi pati sa kanilang pamilya.
Maaaring magsilbing hanap-buhay ito para sa mga magulang ng ilang mag-aaral na nagsagawa ng gulayan sa kanilang bakuran upang matuldukan ang nararanasang kahirapan.