Looc National High School

A leading High School promoting quality education

Girl Scouts ng LNHS, dumalo sa Regional Workshop on Action on Body Confidence (ABC) Program

October 2, 2018

by: Hazel Arbutante

Pinatibay ng Eastern Mindanao Region ang tiwala sa sarili ng bawat Girl Scout na lumahok sa Regional Workshop on Action on Body Confidence (ABC) Program, Agosto 31- Setyembre 2, Medina National Comprehensive High School, Medina, Misamis Oriental.

 

Apat na mag-aaral mula sa Looc National High School (LNHS) ang nakilahok sa ABC Program kasama ang buong suporta ni Corazon C. Jumawan at tulong na binigay ng LNHS at Girl Scout of the Philippines (GSP) Misamis Occidental Council.

Layunin ng programa na mas mapalakas ang loob ng bawat girl scout sa pagharap sa mga tao nang may lakas ng loob, determinasyon, tiwala sa sarili upang mas lalong magampanan ang kanilang tungkulin sa Panginoon, sa bansa, at sa kapwa.

 

“Hopefully, with all the learnings that you may get from this training, you will be able to be confident in yourself and by that, you will be able to share that to others.’’ Pahayag ni Reina Marie G. Ebisa.

Nagsilbing malakas na impak ang programa upang gibain ang puwang o mga pader ng kawalan ng lakas ng loob sa bawat girl scouts na nagbibigay sa kanila ng hesitasyon sa pakikipag-ugnay sa kapwa. 

              

Inaasahan ng buong Girl Scouting Movement na lumaki pa ang bilang ng mga girl scouts na dadalo sa susunod na ABC program upang mapalaganap ang paglinang ng lakas ng loob, hindi lang sa bawat girl scouts kundi pati na  bawat tao sa Pilipinas at sa buong mundo.